#StopLumadKillings a Filipino at war
Speaking About Truth
Dear writers, dear friends, dear fathers and mothers, dear
folks, I want you to know that every words are the windows of our soul. In
fact, the collective words are the windows of who we are, of what is happening
around us. We must look around to see what is happening. I just want to add,
that I will not say “the ball is at rest” when in reality, the ball is rolling.
I will say the truth. And now I will say it.
Our Lumad brothers and sisters today are being persecuted.
Their alternative school, which happened to be their only source of education
(which is at the UNESCO’s Universal Declaration of Human Rights, the rights to
education) were forced closed. Some of them are killed. Some were raped. Their
tribal land vanishes. Painful to admit, this is the result of “peace”, the
result of Militarization. More painful to admit, our King is mimicking the
doings of the former King who actually killed his own father.
For this, I don’t need to say anymore, but again I will
argue that we need more voices.
Pagpatay sa mga Lumad, Para Na Ring Naulit ang Panghahamlet sa Santa Filomena, Martial Law
Parang ganito kasi 'yon, 'yun bang takot as in fear ng mga militar na ang mga bundok
at mga lupaing kinabibilangan ng mga lumad na ma-educate sila sa rebolusyon,
parang in-disguise na rin po ano, na parang kung sa mga panig ng awtoridad -
magkaroon ng pagkakataong patayin ang mga lumad at palabasing rebelde sa pamahalaan.
Na parang 'yung sa nobelang "Desaparesidos" ni Lualhati Baustista. Wala na rin pong pinagkaiba noong panahon ni Marcos, noong ang isang baryong ang pangalan at Santa Filomena, ay pag-hahamletin, paulanan ng bala, dahil ang buong nayon "daw" ay naglulunsad na ng terorismo. Parang an'sarap pong linawin ano. 'Yung salitang "terorismo", kung nagsalita ka laban sa bulok na sistema, sa walang puknat na pagmimina sa mga katutubong lupain, sa kawalan ng katarungan, sa hustisya, sa huwad na tuwid na daan, hindi po iyon terorismo! Ang tawag po diyan karapatang pantao, kalayaang mamahayag, demokrasya! Ang terorismo po ay 'yung para lang mapigil ang rebelyon, papatay ka ng mga inosenteng tao, ng mga lumad teachers at leaders na umaalma sa pagmimina sa kanilang katutubong lupain, mang-rape ng 14 years old na lumad, 'yung isang 70 years old blind na lumad at 'yung dalawa niyang binatang anak na pinatay sa harap ng 15 years old dahil kasapi "daw" sa Guerilla.
Parang Pabebe Din
Ngayon natin makikilala sa internet ang mga may-pakialam sa isyung ito. Mas nangangailangan pa ito ng mga boses, ng mga pag-alma sa Berdugo at militarisasyon. Sana parang "pabebe" din ang mga tinig ng mga Filipinong may-pakialam, walang makakapigil.
We Need Voices
A writer - journalist Joel Pablo Salud posted on facebook, that he accepts poems and other literary works as a protest. I submitted two poems, the first one is included on Salud's post.
Bababa Din Ang Buwan
Hindi nanggagaling sa labas
Ang pangangailangang sumigaw,
Nasa loob
Ng mga katutubong lupain
Inaagusan ng dugo
Ang mga puno niyang
Napag-ukitan
Ng mga balang walang
Paningin.
Hindi nanggagaling sa loob
Ang pag-asang magbuyo.
Narito, nasa ating
Mga nakasaksi, nakaunawa
Sa paniniwalang
Ang naipong titik, salita
Na katumbas ng ating luha
Ay magiging isang malakas
Na bulyaw!
May panahon ding bumababa
Ang buwan,
Tatayog ang araw.
Lumad 2
Habang ang mga ulan ay nalalaglag
At nagiging hamog,
Hindi na natin naaaninag
Ang nasa ibayong pook
Hindi natin naririnig
Ang matinis na igik,
At naglalahong tinig
Ng mga musmos
Na tanging saksi
Sa kulog ng mga balang
Sumasabay sa ulan,
Tumatama sa katawan
Bumabawi ng buhay.
Habang ako ay nagiging makaluma,
Habang naririnig ko ang mga
Musika ng paglisan,
May mga lumad na nagpapaalam
Sa lupaing kinamulatan.
Lahat naman tayo ay lumad
Nakalimutan lang natin.
Bago Mo Ako Tigisin
Naghintay ako sa tinig mo
Upang ang tinta ay
Sandata, ang hininga ng
Makata
Ay tangayin ng hangin
Papunta sa tigib
na kaluluwa
Ng kanilang dugong
Dugo ko rin,
Dugo - dagta ng lupa
Niyang unang anak,
Panganay ng umaga.
Bago mo ako ialay,
Upang mapatibay ang
Semento,
Mapatibay ang payapa
Mapatibay ang kaunlaran
Ihalik mo nawa sa batis
Ng luha
Ang aking hinagpis
Balikan ang walang
Tamis kong kultura
Pakinggan ang luma
Kong musika,
Tsaka mo ako tigisin.
_______________________________________________________________
photo by Joel Salud

No comments:
Post a Comment