Haraya

Imagine

Wednesday, September 30, 2015

Si Lupeng Alitaptap, Si Basyong Gamo-Gamo, at Ang Kwentong Kandila

kwentong pambata

Rommel F. Bonus


Maniwala ka man o sa hindi, naging kaibigan ko ang batang gamo-gamo na tauhan sa lumang kwento ni Dr. Jose Rizal. Nagulat at nalungkot nga ako nang mabalitaan ang trahedyang sinapit niya sa kandila. At bago siya napahamak, nakakwentuhan ko muna siya.

Ang pangalan niya ay Basyong Gamo-Gamo, hindi lang siya kilala sa lahat ng mga Gamo-Gamo, tanyag din siya sa lahat ng mga insektong lumilipad dahil sa kakulitan niyang taglay.
Hindi sinasadyang nakasalubong ko siya isang araw sa isang bulaklak na gumamela.

“Magandang umaga, Basyong Gamo-Gamo!” Ang bati ko sa kanya.

“Magandang umaga din naman Lupeng Alitaptap! Matagal na nang muli tayong magkita.” Sagot niya sa akin.

Oo nga, matagal ko na siyang hindi nakikita. Kahit hindi ko siya matalik na kaibigan, minsan ay nakakalaro ko naman siya.

Makulit ngang totoo ang munting gamo-gamo. 

May isang pangyayari ngang maghapon siyang hinanap ng kanyang inang gamo-gamo, alaalang-alala na ito sa paghahanap. Kasama ko siya noon, naroon kami sa tapat ng simbahan, hindi ko alam kung anong gagawin niya doon, basta sumama na lang ako. Nahanap siya ng kanyang ina sa batingaw ng simbahan magga-gabi na. Tinanong siya nito kung anong ginagawa sa harap ng batingaw, ang sagot ni Basyong Gamo-Gamo, nagtataka daw ito kung bakit pagkalakas-lakas tunog ng bagay na iyon.  


Ngayon, muli nanamang nagkrus ang aming landas, alam kong marami nanaman siyang maibabahaging bagong karanasan, at kalokohan.

“Alam mo Lupeng Alitaptap, noong mga araw na magkasama tayo at naglalaro, matagal nang palaisipan sa akin kung saan nagmula ang liwanag na nanggagaling sa iyong katawan. Hindi ako mapalagay kung bakit sa ating lahat na mga insektong lumilipad, tanging kayong mga alitaptap lang ang may ganyang klaseng liwanag.”

Napaisip din ako. Oo nga ano?  Kaya nga kaming mga alitaptap, kung naglalaro kami sa gabi ay pinakapaboritong hulihin ng mga bata at ilagay sa garapon. Minsan pa nga, ginagawa kaming ilaw ng mga mangingisda kung papalaot sa gabi.

 “At sa totoo lang, inggit na inggit ako sa taglay mong ilaw. Kaya nagpasya na akong alamin kung saan nagmumula ang liwanag ng inyong mga katawan. Gusto ko talagang magkaroon nito. Panigurado Lupeng Alitaptap, dahil isa kang alitaptap, alam mo kung saan nanggaling ang liwanag na iyan.” Nagpatuloy sa pagkukwento si Basyong Gamo-Gamo.

Sumagot ako.

“Hindi ko rin alam kung saan nagmula ang ilaw ng aming katawan. Basta ang alam ko lang, pinanganak na akong ganito.”

Nagkwento siyang muli.

“Kaya nga nitong nakaraang linggo ay hinanap ko ang pinagmumulan ng inyong liwanag.”
Kahit hindi ko siya masdayong nakakasama, alam kong kahit mag-isa lang siya, susuong siya sa kahit anong lugar para lamang masagot ang kanyang mga tanong.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang kwento.

“Ilang araw din akong naghanap. Noong unang araw, tumingin ako sa araw, naisip kong maaaring dito nagmumula ang inyong liwanag. Lumipad ako pataas para puntahan ito kahit silaw na silaw na ako, ngunit natuklasan kong sadyang napakalayo pala nito, hindi ito ang pinagmulan ng inyong liwanag.

“Ganoon din kinagabihan, noong nakita ko ang buwan at mga butuin, ang akala ko’y matutuklasan ko na ang pinagmulan ng inyong liwanag, ngunit katulad ng araw, napakalayo din pala ng mga ito.

“Sa patuloy ko pang paghahanap, nakasalubong ko si Nelyang Tutubi, tinanong ko sa kanya kung sakaling alam niya ang pinagmulan ng inyong liwanag, sumagot sa akin ang tutubi. . .

“Hindi ko rin alam Basyong Gamo-Gamo, at kung magtatanong ka, hindi dapat sa aking isang tutubi, dahil kaming mga tutubi ay gumagala sa araw sa mga damuhan at hindi na kailangan ng liwanag sa katawan. Kung gusto mo talagang malaman, marapat ay dumiretso ka na mismong alitaptap.”

“Hindi ko iyon naisip kaagad. Kaya naghanap ako ng mga alitaptap. Saktong nakita ko ang tiyuhin mong si Tasyong Alitaptap at si Mang Lusyong Alitaptap, naroon silang nag-iinuman sa isang dahon ng punong kasoy, doon sa may tindahan nila Aling Selyang Salagubang.

Naku, narinig ko nanaman ang pangalan ng aking tiyuhin, aba’y walang ibang alam kun’di ang mag-inom, ginagawa niya ngang kape sa umaga ang alak.

Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko na lang magsalaysay ang munting gamo-gamo sa mga nangyari.

“Nilapitan ko sila habang nag-iinuman. Tinanong ko, Mang Tasyo at Mang Lusyo, sigurado ho akong alam ninyo ang sagot sa matagal ko nang tanong.

“ Sabi nila sa akin, ano daw ba iyong tanong ko? Sabi ko, matagal na po sa aking palaisipan kung saan nagmula ang liwanag ng mga alitaptap. Pagkarinig na pagkarinig nila sa akin, nagtawanan sila ng malakas.

“Alam nga nila?” ang tanong ko sa kanya.

“Siguro’y alam na alam nila ang sagot. Pagkatapos nilang tumawa, sabi nila, hindi rin daw nila alam. Kung meron daw nakakaalam, siguro ang mga tao na iyon. Ang tao daw ang pinaka matalino sa lahat. Pero mag-iingat daw ako kung pupunta ako sa bahay ng mga tao, napaka delikado daw niyon.

“Kaya nakita ko na lang ang sarili ko sa loob ng isang bahay ng mga tao. Nang nakapasok na ako, nanlaki ang ang aking mga mata. Nasa harap ko na ang sagot sa matagal ko nang tanong. Sa gitna ng sala ng bahay ay may isang lamesa, at sa lamesa ay may nakapatong na kung anong bagay na kulay puti at nakatayo. Sa ibabaw ng puting bagay na iyon na nakatayo ay may isang malaking liwanag. Tuwang tuwa ako.

“Palapit na ako nang palapit nang biglang hipan ng isang batang lalaki ang liwanag na iyon. Namatay ang ilaw. Bigla akong nalungkot. Umuwi na lang ako sa bahay. Sabi ko sa sarili ko, baka bukas naroon na ulit ang liwanag sa ibabaw ng kulay puting bagay na nakatayo.

Natuwa din ako. Posibleng dito nga nagmula ang liwanag naming mga alitaptap. Interesado na rin ako kaya tinanong ko siya sa mga sumunod na pangyayari.

“Noong umuwi na ako sa bahay, hindi pa rin ako mapakali tungkol sa nakita kong puting bagay na nakatayo. Tinanong ko ang aking Mama. Gulat na gulat na niyakap niya ako noong ikinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

“Ang sabi niya sa akin, ang tawag doon sa puting bagay na nakatayo ay kandila. ‘Wag na ‘wag daw akong magtatangkang pumunta sa liwanag nito dahil ang liwanag daw na naroon sa ibabaw ay napakainit, iyon daw ay apoy, masusunog daw ako at mamamatay kung susubukan kong lumapit doon.

Kinabahan ako. Baka nga nakamamatay talaga iyong apoy ng kandila. Gusto ko sanang sabihin sa kanyang ‘wag na niyang pagtangkaang puntahan ang apoy ng kandila nang biglang may sumigaw.

“Basyo. . .Basyo. . . nasaan ka na bang bata ka?”

Mama niya pala iyon, tinatawag siya.

Hindi ko naman alam, iyon na pala ang huli naming pagkikita.

Ang kwento sa akin ni Inang Alitaptap, noong gabing napahamak si Basyong Gamo-Gamo, namataan pa siya ng kanyang mama na paikot-ikot sa kandila habang tinititigan ang apoy nito. Takot na takot na nagsisigaw ang kanyang inang gamo-gamo ngunit huli na ang lahat, dinilaan ng apoy ang kanyang mga pakpak at tuluyang nasunog.

Iyak ako nang iyak nang mabalitaan ko iyon. Tunay na nakakalungkot ang mawalan ng isang kaibigan.

Ang sabi pa nga sa akin ni Ina, ‘wag na ‘wag kong tutularan ang kakulitang taglay ni Basyong Gamo-
Gamo, dahil sa kanyang kakulitan, nasawi ang kanyang buhay.

Ngunit kung mayroon mang isang mas mahalagang bagay na natutunan ko sa nangyari sa kanya, hindi iyon ang ‘wag maging makulit at pasaway. Oo alam ko naman, na sa tulad kong isang musmos, ‘wag na ‘wag magiging makulit at pasaway.

Ang mas mahalagang nakuha ko, na si Basyong Gamo-Gamo ay isang ‘di pangkaraniwang batang gamo-gamo, siya iyong mahilig gumawa ng sariling daan, tumuklas ng mga bagong bagay, tatahakin ang kahit anong landas masagot lang ang naglalarong tanong sa isip, nang hindi iniisip ang naghihintay na kahihinatnan.

At sa bagay na iyon, masaya akong minsa’y nakilala ko siya!


_________________________________________________________________________
ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards, sa kategoryang Kwentong Pambata


sponsors:











Wednesday, September 23, 2015

I Can't Still See the Elephant in The Boa Constrictor Drawing (The Little Prince Book Review)

The Little Prince, a Novella by Antoine de Saint-Exupery


I don't know if I had the only guess, that when currently reading this book, the style had linked me to those of Paulo Coelho in The Alchemist. And my guess is that, Paulo Coelho was so much influenced by Antoine de Saint-Exupery's The Little Prince. None other than, of course, the The Little Prince and The Alchemist story's setting is in the middle of no-where in the desert.


Reading The Little Prince make me hate the mentality of the grown-ups. It brings me back to my younger days, even if today, I am still 17, I have the sympathy of the persona of the book, I am little like grown-ups; sometimes thinking about the matters of consequences.


This is a wakeup call for all of us who were "little" like grown-ups. I assume, that the person who read this (the book), will only have two reflections: first is "I am guilty that I am always thinking of the matter of consequences, and for that, I am a grown-up", second is "I am happy that, I can still see the sheep beyond the walls of the box”. I think I am still in the second one.


The reality that the Little Prince was written decades and decades ago, I prove this timeless. The metaphor, in my perception, in this novella, is when the Geographer tells he will not record things ephemeral as the flower. My theory is that, this is Antoine de Saint-Exupery's perennialism. There's no question, even reading today, you will think of the "matter of consequences" of it as, it will never became too old. 


I had known for sure this idea, that one of sign of a good book is that you need to pause for a while when you have read something elegantly written. As if, you're confronting your soul, and its connection to the words. The Little Prince is full of these pause phenomena, the orgasm brought by the idea.



And honestly, I can’t see the elephant on the first picture of the boa constrictor! 

After Watching Heneral Luna




What is Our Perfect Movie?

Before I saw Henaral Luna (movie), my perception of a good Filipino historical movie was so shallow, just in Rizal’s; as if we’re making another patron, or another nominee for canonization in Vatican. The good movie for us is when we are able to display our heroes as infallible, for us to justify that a Filipino can be perfect, that all of the Filipinos way back was, that we are the nation of revolutionaries, that we are all willing to lay down our lives for the freedom. Singing Jose Palma and Julian Felipe’s ang mamatay nang dahil sayo over and over again reminds me of this. And in this matter, we are self-proclaimed gods.

The movie was really created to be one of the best.



Articulo Uno


Walang Presidente sa ilalim ng batas, Luna proclaimed upon leaving President Aguinaldo’s office. The movie informed us on how Gen. Luna holds his principles, he always stands for it.

When Luna makes a command, they always read Articulo Uno: ang hindi susunod sa ipinag-uutos ng General ay maaring pababain sa ranggo o patayin nang hindi nililitis.

Luna commanded the arrest of Buencamino and Paterno for being a traitor. It happens in a cabinet meeting when Buencamino delivered news about Schurman’s plans of autonomy. After a day, Luna give the president, a letter of resignation. Hindi niya raw matutupad ang kanyang tungkulin sa ganitong sitwasyon.

As a matter of fact when Mabini told Luna: Heneral Luna, isa kang henyo pagdating sa labanan pero wala kang alam sa politika. Luna answered, kung pagpapalaya sa mga traydor ang pakikipolitika, ayokong maging bahagi niyan.



The Pontius Pilate on Aguinaldo

The day when Gen. Luna was murdered, he received a letter from Aguinaldo inviting him for another cabinet meeting. Wala siyang nadatnang Aguinaldo, but Buencamino sitting on the president’s throne.

Naghugas kamay. Aguinaldo said “paano ko naman papatayin ang pinakamahusay kong heneral?”.
This reminds me of Pontius Pilate on the bible, upon proclaiming the execution of Jesus Christ; he washed his hands as a symbol innocence of murder.



Kalaban Pa rin

 “Hindi ang mga dayuhan ang ating pinaka matinding kalaban, kundi ang ating mga sarili.”

Hindi lang ito noong pinatay si Luna at Bonifacio ng sarili nilang kababayan. O doon sa sinabi ni Luna sa simula ng pelikulang mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino tungkol sa kahit na anong bagay. O noong sa rebolusyon, Filipino laban sa Filipino.

Oo nga, ang katotohanang ito ay hindi natatapos sa labanang Filipino-Kastila o Filino-Kano, hanggang ngayon ay kalaban pa rin natin ang ating mga sarili. Tuwing may mga ganid na politikong patuloy na nangangamkam sa kaban ng ating bayan. Tuwing mas tinatangkilik pa natin ang iba kaysa sa sarili nating bansa. Tuwing pinapatay natin ang mga mamamahayag, ang mga aktibistang nagsusulong ng pagkakapantay-pantay. Tuwing pinapatay natin ang mga katutubong nagpo-protekta sa mga katutubong lupaing nais sirain ng mga mining corporations.


Kalaban pa rin natin ang ating mga sarili.

Monday, September 7, 2015

#StopLumadKillings


#StopLumadKillings a Filipino at war


Speaking About Truth

Dear writers, dear friends, dear fathers and mothers, dear folks, I want you to know that every words are the windows of our soul. In fact, the collective words are the windows of who we are, of what is happening around us. We must look around to see what is happening. I just want to add, that I will not say “the ball is at rest” when in reality, the ball is rolling. I will say the truth. And now I will say it.
Our Lumad brothers and sisters today are being persecuted. Their alternative school, which happened to be their only source of education (which is at the UNESCO’s Universal Declaration of Human Rights, the rights to education) were forced closed. Some of them are killed. Some were raped. Their tribal land vanishes. Painful to admit, this is the result of “peace”, the result of Militarization. More painful to admit, our King is mimicking the doings of the former King who actually killed his own father.

For this, I don’t need to say anymore, but again I will argue that we need more voices.



Pagpatay sa mga Lumad, Para Na Ring Naulit ang Panghahamlet sa Santa Filomena, Martial Law

Parang ganito kasi 'yon, 'yun bang takot as in fear ng mga militar na ang mga bundok
at mga lupaing kinabibilangan ng mga lumad na ma-educate sila sa rebolusyon,
parang in-disguise na rin po ano, na parang kung sa mga panig ng awtoridad -
magkaroon ng pagkakataong patayin ang mga lumad at palabasing rebelde sa pamahalaan.
Na parang 'yung sa nobelang "Desaparesidos" ni Lualhati Baustista. Wala na rin pong pinagkaiba noong panahon ni Marcos, noong ang isang baryong ang pangalan at Santa Filomena, ay pag-hahamletin, paulanan ng bala, dahil ang buong nayon "daw" ay naglulunsad na ng terorismo. Parang an'sarap pong linawin ano. 'Yung salitang "terorismo", kung nagsalita ka laban sa bulok na sistema, sa walang puknat na pagmimina sa mga katutubong lupain, sa kawalan ng katarungan, sa hustisya, sa huwad na tuwid na daan, hindi po iyon terorismo! Ang tawag po diyan karapatang pantao, kalayaang mamahayag, demokrasya! Ang terorismo po ay 'yung para lang mapigil ang rebelyon, papatay ka ng mga inosenteng tao, ng mga lumad teachers at leaders na umaalma sa pagmimina sa kanilang katutubong lupain, mang-rape ng 14 years old na lumad, 'yung isang 70 years old blind na lumad at 'yung dalawa niyang binatang anak na pinatay sa harap ng 15 years old dahil kasapi "daw" sa Guerilla.


Parang Pabebe Din 

Ngayon natin makikilala sa internet ang mga may-pakialam sa isyung ito. Mas nangangailangan pa ito ng mga boses, ng mga pag-alma sa Berdugo at militarisasyon. Sana parang "pabebe" din ang mga tinig ng mga Filipinong may-pakialam, walang makakapigil.


We Need Voices

A writer - journalist Joel Pablo Salud posted on facebook, that he accepts poems and other literary works as a protest. I submitted two poems, the first one is included on Salud's post.

Bababa Din Ang Buwan

Hindi nanggagaling sa labas
Ang pangangailangang sumigaw,
Nasa loob
Ng mga katutubong lupain
Inaagusan ng dugo
Ang mga puno niyang
Napag-ukitan
Ng mga balang walang
Paningin.

Hindi nanggagaling sa loob
Ang pag-asang magbuyo.
Narito, nasa ating
Mga nakasaksi, nakaunawa
Sa paniniwalang
Ang naipong titik, salita
Na katumbas ng ating luha
Ay magiging isang malakas
Na bulyaw!

May panahon ding bumababa
Ang buwan,

Tatayog ang araw.


Lumad 2

Habang ang mga ulan ay nalalaglag
At nagiging hamog,
Hindi na natin naaaninag
Ang nasa ibayong pook
Hindi natin naririnig
Ang matinis na igik,
At naglalahong tinig
Ng mga musmos
Na tanging saksi
Sa kulog ng mga balang
Sumasabay sa ulan,
Tumatama sa katawan
Bumabawi ng buhay.

Habang ako ay nagiging makaluma,
Habang naririnig ko ang mga
Musika ng paglisan,
May mga lumad na nagpapaalam
Sa lupaing kinamulatan.

Lahat naman tayo ay lumad

Nakalimutan lang natin.



Bago Mo Ako Tigisin


Naghintay ako sa tinig mo
Upang ang tinta ay
Sandata, ang hininga ng
Makata
Ay tangayin ng hangin
Papunta sa tigib
na kaluluwa
Ng kanilang dugong
Dugo ko rin,
Dugo - dagta ng lupa
Niyang unang anak,
Panganay ng umaga.

Bago mo ako ialay,
Upang mapatibay ang
Semento,
Mapatibay ang payapa
Mapatibay ang kaunlaran
Ihalik mo nawa sa batis
Ng luha
Ang aking hinagpis
Balikan ang walang
Tamis kong kultura
Pakinggan ang luma
Kong musika,
Tsaka mo ako tigisin.

_______________________________________________________________
photo by Joel Salud



Saturday, September 5, 2015

Jamming On An Old Question



Does anyone can comprehend how a Filipino uses common sense; inano mo na ‘yung ano? Kwan yan! Baka ma ano, umaano? You can actually watch Wally Bayola on his character on the Eatbulaga’s Kalye Serye, Lolo Nidora, impersonating Babalu; nang-aano ka e ha! Or in some extent, a Pinoy, when asked by someone, where are you? On the way na! How famous a place called “on the way”, someone should make it as the national historic place. Gary Granada described this phenomena on his song Balon “Ang tao ay mahirap unawain, sinasagot nila ang ‘di mo tinatanong” (Humans are difficult to explain, for they answer what don’t being asked). Questions are opiate of man’s curiosity – to be filled by nothing but a move, a touch, a step, or even a taste. It’s an old clothe we always wear.

I remember watching a gag show on a local TV, they put an elesi on a public road with a sign “Wag hipuin” (Do not touch), out of 20 people who passed by, 15 persons touched the thing. I am not surprised, look at the most popular motto on the country “Bawal Umihi Dito Multa 500” and yet anyone can still catch smells on it. Sino nga naman ang willing magbayad ng 500 no! We can see the incomprehensible side of a Filipino on the incident of killing Pamana, a Philippine monkey-eating eagle, how I wish the killer to have a facebook account, I will request him to have a status reading: what’s on your mind?

There are a lot to question about, from the very basic what’s your name? – to what is the reason of human existence? When I was in elementary, my teacher always tells us that the most difficult questions starts from why, but later as years goes by I realized, not really, because no one can tell the difference between why did it goes down, from what is the reason of its falling. The answer would be same.

On one of a fable by Gilda Cordero-Fernando “The Magic Circle”, a fairy god mother stated the very purpose of every creature on earth until there came a cockroach trembling “how about me, what is my purpose?”, then the fairy god mother answer, “Ang ipis ay salamin ng kababuyan ng tao”. People are like ipis too, they don’t really know the reason why.
But something is accurate: we cannot question the power of questions. Isaac Newton discovered the mystery of gravity by questioning the fall of an apple from a tree. So here comes a line: thousands of people watched the apple falling, but only Isaac asked why. No one can argue about; you can destroy Rome by a asking a question. A famous line from an existentialist philosopher Albert Camus goes like this “The only philosophical question is suicide”; basically you can’t ask a person committed suicide why. There this commercial on TV, para saan ka gumigising? Honestly sometimes I think wala naman talaga tayong choice. Despite, life should be the reason to continue living, it’s just saying like there’s should be no other reason to love but love. One might say why should we live when in the end we will all die, para mo na rin namang sinabing bakit pa iibig kung masasaktan din naman?

Questions are in many times, the manifestation of choices. On an old saying “hindi mo kayang mamangka nang sabay sa dalawang ilog”, or similar to Robert Frost’s poem The Road Not Taken: Two roads diverge in a yellow wood, and sorry I could not travel both. Questions therefore, in humanist concept, are what make us human e.g. the free will

Questions are sometimes famous last words too, from Simon Bolivar’s “how will I ever get out of this labyrinth?”  Franz Kafka’s “kill me, or you are a murderer?”  to the famous “Father, Father, why have you forsaken me?” of Jesus Christ. Karl Marx had a conclusive last word “last words are for fools who haven’t said enough”.

Last month, I posted in facebook. It is all about the optimist, the pessimist, and the rational arguing about a glass filled with water half the volume of the glass. What can be the argument of these people? The optimist says the glass is half filled, the pessimist says the glass is half empty. To put a little plot twist, I include the rational saying the glass is too big for the water’s volume. I thought that’s all, that’s the real twist, until someone comments on the post: and the opportunist drinks the water while the people are busy arguing about it. Isn’t it funny enough, that we can see different views and perceptions by a glass of water? Now we know how to know a person, ask him about the glass!

Anyone can destroy Rome by asking a question.

I once watched a beautiful movie Apocalypto, a historical movie of the Mayan civilization, directed by Mel Gibson. On the movie, an elder told a story I will never forget for the rest of my life. The story is all about a man sitting in the forest drenched with deep sadness, and then the animals give him all he wants, the abilities, and the secrets of the earth. In the end, the owl said to the other animals, "Now the Man knows much, he'll be able to do many things. Suddenly I am afraid." The deer said, "The Man has all that he needs. Now his sadness will stop." But the owl replied, "No. I saw a hole in the Man, deep like a hunger he will never fill. It is what makes him sad and what makes him want. He will go on taking and taking, until one day the World will say, 'I am no more and I have nothing left to give’.

At first I don’t believe that Bong Revilla would steal the wealth of the people because he is already rich, but my activist aunt told me “greedy people will never be satisfied on what they have”.  
The questions, is the hole to the man, it’s an intellectual greed, the infinite search, in fact – the infinite need to search.

_____________________________________________________________________________ 

The idea of the title came from Gilda Cordero-Fernando’s Jamming On An Old Saya
For more creative works from him, visit his personal blog https://sites.google.com/site/rommelfabrosbonus/