Haraya

Imagine

Thursday, August 20, 2015

Book Review sa Nobelang Antyng-antyng o Kwadrisentenyal ni Uro Q. Dela Cruz

Antyng-antyng o Kwadrisentenyal: Kung Papaano Nakipagpatintero sa Kasaysayan ang Aming Bayan 
by 

Totoo ang sinabi ni Bienvenido Lumbera tungkol sa librong ito, na kahangahangang ang isang nobela ay maglalaman ng maraming tauhan at paksa.

Pangahas ang pagsalungat ni Uro sa karaniwang balangkas ng mga nauna nang nobela. Sa nobelang ito, tuluyang niyang tinanggal ang mga kahon. Nadarang ako sa librong ito. Para ka lang nakasakay sa Roller Coaster, walang kasiguruhan ang mga pahayag at tagpo, tumatamis, umaalat, umaanghang nang hindi mo man lamang napre-predict.

Habang binabasa ko ang librong ito, nalaman ko kung gaano ka-flexible na manunulat si Uro. Elastic ang pagtingin niya sa mga anggulo ng banghay. Napipiga niya ang tunay na boses ng iba't ibang klase ng tauhan ito man ay pari, magnanakaw, mayor o artista.

Gusto kong ihanay ang mga kapangyarihang naramdaman ko sa nobela habang binabasa (na marahil ay naramdaman din ng mga ibang bumasa)

    1. Ang galaw at progresyon ng kwento ay laging bago
    2. Lagi kang may matutuklasang hindi mo inaasahan sa bawat pahina
    3. Napakaraming paraan ng naratibo ang nagamit sa bawat talata
    4. Ang damdamin ay bigla na lang nagbabago
    5. Magaling gumamit ng tauhan si Uro, batbat sa baryasyon ng boses at gamit ng wika

Napakarami pang dahilan kung bakit ko nasabing maganda ang nobelang ito. Hindi kataka-takang nanalo ito sa Gawad Palanca. Taglay kasi nito ang sa tingin ko'y laging hinahanap ng mga mambabasa sa Post-modernism, unang-una ay bagong-bago ang tema. Wala pa sigurong naisulat na librong may ganitong tema. Tunay na ang nobelang Antyng Antyng ay isang taga sa kasaysayan.

_______________________________________________________________________________
*unang na-ipublish ang review na ito sa goodreads.com noong Setyembre, 2014
*ang larawan ng pabalat ay pag-aari ng goodreads.com

No comments:

Post a Comment