Tatlong tulang
nagmamarka, nambibinyag, at nang-aangkin
Rommel
F. Bonus
Sa Ngálan ng Pag-angkin
Kailangan mong hubarin ang iyong pangalan
At isuko ito sa kanya—sa tagabinyag na walang suot
Kundi ang pangalan niyang hiniram.
-
Juan Ekis, Ang Tagabinyag
Saan ko ba nakuha ang aking
pangalan?
Subo-subo ko ba ito nang
mailuwal?
Nakaburda sa sutana ng parìng
tagabinyag?
Nása banal na tukayò
ng isang santo sa bibliya?
Pamana ng magulang noong
nasa tiyan pa lámang?
O ibinigay ng isang ibig
mang-aking sa akin?––
Oo nga, lahat ng bagay na
ating inaangkin
Ay inaangkin sa pagbibigay
ng pangalan.
At marahil, ito ay kayâ
hindi nag-alinlangan si Adan
Nang maatasan siya ng Diyos
na pangalanan
Ang lahat ng bagay maliban
sa Diyos.
Papangalan
ko ang lahat ng akin,
Kahit
hindi kailanman ang sarili ko.
At di ka na siguro
magugulantang, o magugulat
Man lámang.
Kung malalámang
kanina, sinabitan
Ng karatula ang
ikapitong-libong bininyagan sa kalsada.
Pinangalanan.
Pinangalandakan ang bágong
Pangalan sa alimura, sa
sakdal, sa suplong, sa yúrak.
At kung
ako man ang susunod, akong hiniram din
Ang
sariling pangalan, ako ay maaangkin nila.
Ngunit
pagkatapos nila akong maangkinin
sa
pagkatumba ay wala na ako.
At sa dinami-dami ng
pag-akin; laksa-laksang pagbinyag,
Ay walang mang-aangkin sa
mga pagkawala.
Himutok ng Bininyagan sa Kalsada
Tawagin mo ako sa aking pangalan,
Buktóng tagabinyag; nansakdal ng dahas,
Maririnig nila ang
katotohanan.
Ritwal mo’y tumápos
sa aking pag-iral,
Nakaluhod akong tumanggap ng
basbas.
Tawagin mo ako sa aking
pangalan.
Bendita mo’y dugo,
meshiyang buláan;
Pumuswit, umagos, sa ulo kong
gahák.
Maririnig nila ang
katotohanan.
May impit na hiyaw sa likod
ng búsal:
“Di ka mananálo,
meshiyas na huwad!”
Tawagin mo ako sa aking
pangalan.
Nananálig
sa ‘yo ang bulag mong káwal.
Ang nananahimik, hintaying
mag-aklas:
Maririnig nila ang katotohanan.
“Ito’y isang adik, huwag
tutularan”
Ito’ng tinanggap kong
paghusga’t pagbansag;
Tawagin mo ako sa aking
pangalan,
Maririnig nila ang
katotohanan!
Marker
Ikaw ang gumuhit sa
hanggahan
ng kaniyang pag-iral.
Ang kompás ng iyong tinta:
ang pagtaas at pagbabâ
ng bawat guhit sa
kapirasong
kartong isinabit sa leeg
Ang bumuo sa mga
salitang
Nagbulwak ng tákot,
Nagbansag ng bantâ,
Nagsakdal sa kapanatagan,
Ngunit kadalasa’y
nakapagpapakúyog
ng bunyi sa marami;
Buti nga! sasabihin pa nila
matapos mong ibalita
ang hindi na balita
(hindi na raw balita ang isang
bagay na normal at paulit-ulit),
At minarkahan ang kaniyang
pagkabura’t
Naglathala ka ng maiitim na durâ
sa kaniyang pagkatao.
Huwag tularan! Ang sabi mo.
Pagkatapos ng iyong
trabaho
Sa ilalim ng tirík
na araw,
Muli kang
ibubulsang
Katulad ng baril. Madaling bunutin
Kinabukasan, o kahit mamaya.
At walang magtatanong kung
kailan,
kailan kokóta ang iyong tinta.
opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards www.sba.com
No comments:
Post a Comment