Haraya

Imagine

Sunday, October 16, 2016

Sa Anyo ng Hamog, ang Himala ng Dalawang Panahon



 Maikling Kwento

Rommel F. Bonus


Joey


“Breaking news…”

Tumunog ang radyo. Nanginginig pa ako dahil basang-basa  at nakatulala sa bintana ng dorm habang si Toots ay nakatingin lang sa’king hindi pa rin lubos makapaniwala sa mga ikinwento ko sa kanya, nakadapa sa ibabang bahagi ng kama na double deck, nang marinig ko ang balitang ito.

“Setyembre 22, 1972, sa ganap na ika-walo nang gabi ay pinagbabaril ang sinasakyang Ford ng kasalukuyang Defense Secretary Juan Ponce Enrile sa Notre Dame Street, Wack-Wack. Buti na nga lang daw, ang sabi ng Pangulong Marcos sa isang interview, ay sapat ang protective measures ng sinasakyang convoy at walang masamang nangyari sa Secretary…”

---

Panaginip ba ito, na ako, isang estudyante ng senior high, ay makita sa ganoong paraan si Danica sa loob ng kotse ni Atom? Nanginginig pa ang mga paa kong suot-suot ang pulang Spartan tsinelas. Umuulan kasi noon, at sa takot ko sa tubig putik, hindi ang putik na naiisip mo, kundi iyong putik na burak mula sa baha ng Maynila, na laging sumasakop sa bawat teritoryo ng limang taong gulang kong converse na binili pa ni Dadang isang araw sa ukay-ukay sa Recto.

Parang panaginip din nang himalang makita kong muli si Danica matapos kasama ni Thea ay mapabilang sa mga nawawala.  

Oo si Danica, ang second year pol scie major na player ng volleyball, ang laging umiintriga sa malaro kong pag-iisip sa mga panahong inilalagi ko dito sa dorm ng pamantasan, kasama na marahil sa mga existensyal na tanong ng isang mag-aaral, dahil hindi lang maganda kundi markado siya ng faculty at admin dahil kilala bilang palaban, palasagot, at mahilig mambasag sa mga nakasanayan.  Nasanay na ako sa mga tingin niya sa akin na tila si Adolf Hitler na nakakita ng mga natirang hudyo sa holocaust sa tuwing nagkakasalubong ang tadhana ng aming daan sa mga hallway ng dormitoryo. Ang kanyang mga mata ay ang araw sa isang tag-araw kung tanghaling tapat, at ako ang natutuyong piraso ng damo. 

Naaalala ko pa nga isang araw nang nag-iisa akong nakaupo sa upuan ng gymnasium habang binabasa si Kant. Ang buong volleyball team ay naroroon sa court para mag-ensayo, at si Danica, suot-suot ang pinakahapit na jersey na nakita ko sa buong buhay ko ay tumuwad para ayusin ang sintas ng kanyang sapatos. Noong mga segundong iyon ay para akong nalulunod sa pagkahumaling sa pigura ng kanyang katawan habang kumukurba ito, ang mga mata ko ay halos maluwa nang biglang tamaan ang ulo ko ng rumaragasang bola na nagresulta sa pagkabasang ng aking salamin, at higit doon, ang pagkahulog ko resulata ng pagkawala ng aking malay. Gusto ko namang mahulog, ngunit hindi naman sa ganitong paraan. ‘Di ba?

Matapos ang ilang sandali ng kadiliman ng paligid sa aking isip, sa wakas ay nagdesisyon ding balikan ako ng malay ko (buti pa ang malay, binalikan ako, tsarot!) at nang muli kong idilat ang aking mga mata, ang unang bagay na nakita ko ay ang maganda niyang mukha habang hawak hawak ng kanyang malamyang kamay ang kanyang buhok, idinatantay ito sa kanyang leeg para hindi mahulog sa mukha ko.

“Okay ka lang?” Ang unang pangungusap na may patungkol sa’kin na narinig ko sa kanya. Diyos mio, hindi yata kayang panghawakan ng realidad kong magsalita, ang nagawa ko lang sa mga sandaling iyon ay ang huminga nang malalim. Ang buong gymnasium ay binabalot ng lamig ng Setyembre ngunit ako, mayroong isang bagay sa loob ko na mainit na nagdudulot sa noo kong magtagaktak ng mga gamunggong pawis.

Si Danica iyong tipo ng tao na laging nahe-headline sa tsismis, laging laman ng mga tagong pag-uusap. May mga usap-usapan ngang kasapi siya sa isang lihim na kilusan ng mga mag-aaral sa loob ng pamantasan. Ang lider daw nila ay si Thea, ang best friend niya.
 Hindi na ako nagtaka.

At ngayon, habang naglalakad ako sa parking lot at umuulan, halos malagpasan na ang kotse ni Atom, ay tinawag niya ako sa aking pangalan sa unang pagkakataon.

“Joey,” Sa totoo lang, nagulat nga akong alam pala niya ang aking pangalan. Aba’y sino ba naman ako? Si Danica ay kasing taas ng mga ulap, at ngayo’y nakikita kong posible pa lang matagpo ang landas ng mga ulap at lupa. Maaari naman siguro, ang sabi ng malaro kong isip. Sa anyo ng hamog.

Inisip ko na lang na isa itong anyo ng hamog. At kahit na kasing labo rin ito ng hamog, ay lumapit ako sa kotse, sumilip nang may pag-usisi sa nakabukas nitong bintana. Sa dilim ay nakita ko siya.

“Umuulan kaya, pumasok ka na sa loob.” Nagpasya akong umikot sa kabilang pinto at binuksan ito nang may halong pagka-ilang at pagkagulat, as in erotikong uri ng pagkagulat nang makita ko siyang ang tanging suot lang ay bra at maong na pantalon. Ano ito, free taste? Hindi na yata kinakaya ng moralidad kong tingnan siya nang tuwiran sa maraming bilang segundo, ang tanging nagawa ko lang ay ang sumulyap.

“Natatakot ako. Hindi ko na maigalaw ang mga paa ko kasi naipit sa baba ng bag na ito.” Sa kanyang harap ay nahihimlay ang isang itim na maleta, nakasuksok sa pagitan ng kanyang tuhod at dashboard ng sasakyan. At yaman din lamang na may maayos akong intensyong tulungan siya, agad akong yumuko at hinawakan ang maleta upang iangat nang dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang bra, nilamas lamas ang dibdib, at umungol. Tang ina, ang laki pala ng kanyang hinaharap, as in Mt. Apo laking hinaharap. Naakit ako, sinong lalaki ba naman ang hindi, sa kung paanong gumagalaw ang bawat daliri ng kanyang kamay, kung paanong nagkakasundo ito sa tunog ng kanyang pag-ungol, at ang kanyang mga mata, ang perpektong hugis ng kanyang mga mata, kung paano ito tumingin sa akin. Ang anyo ng hamog na ito ay tila yata langit!

Nabasag ang mga masasarap na sandali nang biglang may magsisigaw sa kaliwang bintana.

“Hoy! Putang ina! Anung ginagawa n’yo?” Si Atom iyon, ang boyfriend ni Danica.

“Tumakbo ka na Joey! Dalian mo!” Ang sigaw ni Danica.

Kumaripas nga ako nang takbo bago pa ako habulin ni Atom. At kahit umuulan nang gabing iyon, hindi ko na ito inalintana ang mabasa. Lumilipad ako sa paghakbang at nagtatalsikan ang tubig ulan sa tuwing lumalagapak ang aking talampakan. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso. Ano ba itong napasok ko?

Nakarating na ako sa dorm nang mapansin ko, wala akong suot na tsinelas.

“Anung nangyari sa’yo?” Ang tanong ni Toots, ang dorm mate ko nang makita akong ganon. Doon ko ikenwento ang lahat ng nangyari sa pinakadetalyadong paraang alam ko. Hindi siya makapaniwala.
At narinig na namin ang balita sa radyo na inambush ang sinasakyang Ford ni Enrile.

Kinabukasan, idineklara ni Pangulong Marcos ang bansa sa ilalim ng martial law.



Marco


Nakabukas ang telebisyon, nag-e-Fb ako, at naroong naka-flash ang Pangulong Duterte habang nagtatalumpati.
“I have read the condemnation of the European Union. I'm telling them, 'Fuck you,” Ang galit na pahayag niya habang nagdi-dirty finger, nakatayo sa podium sa harap ng bandila ng Pilipinas.
Hindi na ako nagulat.
---
Nagsasawa na akong makipagdebate sa FB sa usapin ng Martial Law. Paulit-ulit lang naman ang sinasabi nila. Kung makakausap nga lang sana nila si Mamoo, sana’y maikekwento niyang lahat ng pangyayari.

Kung minsa’y gusto ko na lang munang pag-usapan ang tungkol sa kultura, iyon bang katulad ng kung paano naging kontrobersyal ang Spoliarium ng Eheads kahit mas malamang na mapunta sa KPop, o sa mas malawak sigurong paksa ay kung paanong naging siklikal ang kulturang Asyano at linyar naman ang kanluranin.

Pero kasing tanda na siguro ng araw ang mga usaping ito. Baka kailangan na munang kalimutan. May mga bagay pa sigurong mas nangangailangan ng pansin sa Pilipinas tulad ng Imperial Manila, ang Abusayaf na umaming may kagagawan sa pambobomba sa isang night market sa Davao nito lamang nakaraang araw na nagresulta sa pagkasawi ng labing-apat na buhay (at kung paano ito tinitignan ng mga tao bilang kontradiksyon sa pagbansag sa Davao bilang isang sa safest cities sa buong mundo), ang state of lawless violence na idineklara ng pangulo, ang pagnanasa ng Kaliwa na palayain na ang mga bilanggong pulitikal, ang usaping pangkapayapaan, ang extrajudicial killings, ang mga Lumad na nagdurusa sa pagsalaula ng mga multinational mining firms sa kanilang katutubong lupain at ang dating Pangulong Aquino na nagpahintulot na mangyari ito, ang war-on-drugs, ang kagustuhan ng pangulong Duterte na ipalibing ang dating diktador sa libingan ng mga bayani, at ang nawawala kong nail cutter.

Ang mga bagay na ito, mga bagay na may kabuluhan, ay masasabing nakaugat pa kung paanong ang best friend ni Mamoo ay bigla na lang nawala 43 taon ang nakalilipas, kung paanong himalang nakaligtas si Mamoo. Wala pa raw ako nuon, ang sabi ni Mamoo, dahil nag-aaral pa lang sila, ngunit ang alaala ay buhay pa rin sa kanyang isip at damdamin; ang mga tortyur, ang elektrokusyon, ang mga dumanak na dugo sa kanilang damit, ang mga sigaw at pagmamakaawa, ang kawalan ng kalayaan at demokrasya. Lahat. Lahat ay tila nangyari lang kahapon.


Joey

“Wala na sigurong pinaka tamang panahon para kumilos Joey kun’di ngayon.” May halong lungkot at ligalig sa tono ng boses ni Thea nang tinanong ko sila ni Danica kung ano ba talaga ang ipinaglalaban nila isang tanghali nang nakasalubong ko sila sa may canteen. Marami silang ikenwento, lahat halos may patungkol sa aktibismo.

“Marahil ay wala nang mas titibay sa Mendiola.” Nakangiti siyang nakatingin sa akin, halos natatawa. Sa madilim na panahong ito, hindi pa rin nila nakakaligtaang magbiro.

“Alam mo ba kung bakit?” Tanong niya, umiling ako dahil hindi ko alam ang dahilan, at tingin ko, kailanma’y hindi ko na malalaman pa ang dahilan. Ano ba namang nalalaman ko sa aktibismo?

“Dahil maraming dugo na ang humalo sa semento nito.” Muli siyang naging malungkot.

“Kailangan nating kumilos, dahil sa pamamagitan ng pagkilos ay naipapakita nating nananatili tayong buhay. Wala na sigurong pinakamalaking biyayang nasa atin kun’di ang biyaya ng pagkilos.”
Hindi ako makapagsalita. Nagpaalam na ako para mananghalian. Humakbang ako nang tatlo, at narinig ko ang pahabol na salita ni Danica.

“Sumama ka na sa amin Joey, patay na lang ang hindi pa nakakakita sa katotohanan ng lipunang ito.”
Dumiretso lang ako sa paglalakad. Mula noo’y hindi na mawala sa isip ko ang mga salitang iyon.

Ang huling pagkakataong nakita ko sila Danica at Thea ay naglalakad sila palabas ng pamantasan noong araw din na iyon. Nagulat nga akong makitang suot-suot ni Thea ang pulang Spartan tsinelas ko na naiwan sa kotse ni Atom noong gabing iyon. Si Danica nama’y suot ang kanyang pink na blouse. Kinaumagahan, umalingawngaw ang balitang kabilang silang dalawa sa mga nawala, sila at ang labing walong estudyanteng mula sa iba’t ibang pamantasan. May mga usap-usapang nagahasa raw sila ng mga sundalo at ibinaon nang buhay sa isang bundok sa Lucban, di naman ako magtataka dahil maganda silang dalawa. Yanig na yanig ang araw ko, higit pang marahil sa pagkayanig ng buong pamantasan sa balitang iyon. Naging mas lihim pa ang kilusan, wala nang nagtatangka man lamang na magbanggit ng kahit anong may patungkol sa gobyerno o sa pangulo. Tikom ang bibig ng lahat, pino ang mga kilos dahil baka sa kaunting kaluskos na may tono ng pag-aaklas ay maaaring ikasawi ninuman. Minumura na lang namin sa isip si Macoy.

Sa tuwing maglalakad ako sa hallway ng dorm parang hinahanap ko na ang mga pagkakataong nakakasalubong ko si Danica, kahit pa ang mga mata niyang nakatingin sa akin ay parang isang agilang dadagit ng munting sisiw. Mas mabuti nang ganon kaysa ngayong wala siya, sila ni Thea.  




Marco


Iniwan ko si Sugo sa silid na iyon nang iniisip kung wala na ba talagang himala ang lipunang ito.

---

Dahil sa Kinder Garden to 12 curriculum, naisip ko si Plato at Nietzsche. Hindi naman siguro direkta. Paano ba naman, isang kaibigan ko sa senior high ang nagsabi sa’kin na dahil sa curriculum na iyon ay napagtanto niyang hindi pala talaga siya bagay para mag inhinyero dahil hindi na niya maabot ang masalimuot na problema ng Math. Nagka-singko siya sa algebra, at ang sabi ng instructor niya, kumuha na lang siya ng kurso sa Food and Beverages.

Sugo ang tawag namin sa kanya kahit na pagkaganda ganda ng kanyang pangalang Eric Blair, mula tunay na pangalan ni George Orwell. Kumakain kasi siya ng tigpipisong sugo noong una namin siyang nakakwentuhan sa isang bench sa lilim ng punong mangga. Malawak ang imahenasyon ng batang ito, hindi nakakapagod pakinggan ang mga kwento kahit galing pa ito sa mga nakakabaliw ng ideya nila Marx, Rousseau, Locke, at Aristotle. Marami kang malalaman kahit pa matalsikan ka sa mukha ng pinaghalong laway at mani.  

“Siguro nga tama si Plato…” ang iyak niya sa’kin isang maulang umaga sa hallway ng Ignacia building noong nasuspinde ang klase dahil sa bagyo. Nalungkot na rin ako noong araw na iyon, pati ang panahon ay nakikiiyak sa kanyang pagdadalamhati. “…na pinanganak na nga tayong may mga metal sa dugo; ‘yun bang tinutukoy niyang ginto para sa mga taong matatalino, pilak para sa biniyayaan ng matipuno at malalakas na pangangatawan, at tanso lang ang sakin dahil wala naman ako nun pareho.” At kahit pala sa panahon ng pagdadalamhati sa sarili ay nakakapaglabas pa rin ng mga katas ng katalinuhan.

“Hindi naman siguro iyon ganun.” Ang pangongonsola ko sa kanya, hindi nakatingin sa pag-iyak niya kundi sa pag-iyak ng langit at ang pagtulo ng mga luha nito sa mga dahon ng mga puno at halaman.

“Baka sa pilosopiya ka talaga. Halimbawa, hindi naman lahat ng mga mag-aaral dito ay nakakakilala kay Plato”

Simula noon ay hindi na siya pumasok pang muli.



Joey


Nagulat ako isang araw nang muli kong makita si Danica sa pamantasan. Himala raw iyon, ang sabi nila, na sa labing walong nadakip ay nakaligtas siya.

Patay na lang ang hindi pa nakakakita sa katotohanan ng lipunang ito.

Kahit sa mga mapayapang oras ng pagtulog ko ay ginagambala ako ng mga salitang iyon. Parang konsiyenyang dala-dala ko kahit saan ako magpunta. Nagpasya akong sumapi na sa kilusang mag-aaral. Bakit? Hindi ako patay.



Marco


Makalipas ang ilang taon ay kumuha nga siya ng AB Philosophy sa Ateneo de Manila, si Sugo, ang iyakin kong kaibigan. Pero isinugod siya sa St. Thomas Aquinas Psychiatric Hospital a.k.a. mental hospital matapos ang ilang buwan na pagbabasa kay Friedrich Nietzsche kahit saan siya magpunta. “Kahit nga nakasakay kami sa tricycle at jeep” ang sabi sa’kin ni Tita Violy, ang kanyang nanay nang nasa hallway kami ng mental hospital.

“Nagising ako kaninang alas tres nang madaling araw sa kanyang sigaw. Parang “I have found the ubermench” o “ubermatch” ata yung isinisigaw niya. Basta hindi ko maintindihan. Hindi ko rin alam ang gagawin ko.

“Lumabas siya sa kanyang kwarto, hindi ko siya napigilan. Nagtatakbo siya palabas ng bahay hanggang sa kalsada. Umaakto siya na parang nangangabayo. Naiyak na ko sa kalagayan ng anak ko. Ano na bang nangyayari sa anak ko? Tinatawag ko siya, Eric anak, ano nang nangyayari sa’yo? ‘Di niya ako pinapansin, patuloy lang siya sa aktong pangangabayo. Sumigaw na ko ng tulong sa mga kapitbahay.”

Binisita ko siya sa kanyang silid, naroon siyang nakaupo sa kanyang kama, walang reaksyon ang kanyang mukhang nakatingin lang sa isang direksyon, sa kawalan ng dingding ng silid.

“Sugo, ako ito. Ang kaibigan mong si Marco.” Binungad ko sa kanya matapos ang ilang mapapayapang paghakbang. Hindi siya nagsalita. Parang nawalan na siya ng kakayanang matukoy ang kaibahan ng salita mula sa mga simpleng tunog. Nakakaawa ang kaibigan kong si Sugo. Tumalikod na ako para lumabas nang bigla siyang magsalita.

“Walang himala.” Napatingin ako sa kanya pero ganon pa rin ang kanyang posisyon, nakatingin sa iisang direksyon, sa kawalan ng dingding ng silid na iyon. Napangiti ako, nagpigil dahil posibleng mag-evolve ang ngiti sa tawa. Ano na? Si Nora Aunor ka na ba kaibigan? Naisip ko.

“Kailangan na nating higitan ang nakasanayan nating pagkatao. Wala nang himala ang lipunang ito.” Mula sa kanyang bibig ay dahan dahang lumipad sa hangin ang mga salita.



Joey


Si Marcos na yata ang ulap, sa loob ng dalawang dekada ay nagdulot ng katakot takot na mga kidlat, kulog, at bagyo. At kaming mga nabibilang sa hindi pinalad, kasama ang milyon-milyong taong nagsama-sama ngayon sa kahabaan ng EDSA, mga mag-aaral, mga intelektwal, mga lider ng simbahan at iba’t ibang relehiyon, mga aktibista, mga may kaya sa buhay, at ang mga maralita, ay ang mga lupa.

 Hindi ko rin naman lubos maisip na katulad ng pagtatagpo ng landas namin ni Danica sa kotseng iyon ni Atom labing-apat na taon ang nakalilipas ay magpapasya rin ang mga mamamayang magsama-sama sa kalsadang ito upang ukitin sa kasaysayan ang pinakamapayapang rebolusyong hihipo sa buong mundo, para sa isang layunin; upang patalsikin ang diktador.

Muling nagtagpo ang ulap at lupa sa anyo ng hamog. Ito ang himala ng aking panahon.



Marco


Kasalukuyan kong binabalikan ang mga larawan ng EDSA I sa isang anthology ng mga hiwaga ng mapayapang rebolusyon na kasama sa mga koleksyon ni Mamoo at mga larawan ng mga nawala, ang mga alaalang halos naging alamat na lang sa mas nakararami sa aking panahon. Tila anino na lang na sumusunod sa lahat ng ating paggalaw.

Maaring tama si Sugo, na kinakailangan nang higitan ang nakasanayang pagkatao, na wala nang himala ang lipunang ito. Ngunit patuloy kong panghahawakan, ang himala ng panahong ito ay ang himala rin noon. At kahit tila kasing labo na ito ng hamog, katulad ng sigaw sa Pugad Lawin, o ang pagkamatay ni Rizal sa Bagumbayan, dulot na marahil ng pangangailangan ay balikan natin ang aral ng EDSA.



Marco at Joey, Pagsasanib ng Dalawang Panahon


Patay na lang yata ang hindi pa nakakakita sa kalagayan ng lipunang ito. Ang sabi ni Sugo at Nora, wala na raw himala. ‘Di ako naniniwala. Araw-araw, nakakakita ako ng himala. Hindi lang siguro laging nasa paligid natin. Maaring nakatala sa inaamag nating libro o sa palabas sa telebisyon kung mahal na araw. Pero higit sa lahat, mas maniniwala siguro ako na naroon lang na naglalaro ang himala, sa masalimuot nating alaala.







ito ay lahok ko sa Saranggola Blog Awards 2016








Mga Sponsors



 

Tuesday, April 5, 2016

Revisiting the Socio-Ideological Spectrum



Rommel F. Bonus




“Philosophers have only interpreted the world, in various ways; the point is to change it.”                  - Karl Marx


On conflict of interests, on the paradigm of the oppressed and of the tyrant, are always been debatable between the orthodox and the post-Marxist in the concept of dualistic contradiction in the dialectics of Marx, the fundamental thought of its philosophy. Of the fundamentalist is of the prime idea of two classes’ mere existence against the impurities of the neo; the claim that there are always been neutrals. The first claim is of course from Marx’s metaphysical insight, his socio-economic analysis based on the nature of reality that Stalin and Lenin first called dialectical materialism (Marx didn’t mention the term; he only used the term “historical materialism”). The post’s claim may be traced to the ancient Greece’s “idiots”, those who don’t have any political participation. Albeit, Jose Maria Sison, the founder of the great party who was called by his comrades as “a true Marxist” classified social classes in the Philippines not merely Bourgeoisie and Proletariats as Marx himself referred to the two classes in the French and English social structure dominantly arose during the industrial revolution, but with another classes as Petty bourgeoisie referring to the people in intelligentsia such as students and professionals alike. He even has semi-proletarians, and even lumpen-proletarians who are those that are not employed, those are the criminals, thieves, and gangsters.

People criticize Joey Ayala’s Magkabilaan as the “dialectical materialism song”. On his blog, Joey wrote “Some people still refer to the title song as my “dialectical materialism” song!” and claim that he was really inspired by the biblical Ecclesiastes and his experience seeing social contradictions on his hometown Davao. One of the lines on the said song was “May kaliwa’t may kanan sa ating lipunan, patuloy ang pagtutunggali patuloy ang paglalaban. Pumanig ka, ‘wag nang ipagpaliban pa. Ang ‘di makapagpasya ay maiipit sa gitna” (There is left and right in our society, the struggle and war is ongoing. You should not postpone deciding now, for those who will not, will be caught in between).

There are allegations about the cold war we know that we actually encountered during high school days, written in our ever-fallacies books, that the term communist versus democracy is not the right words describing cold war and, well,  our own ideological struggle, because in context of the Left, communism is democracy. You can see it by names of the communist nations, always using “democratic”. National Democratic Front uses Pambansa-Demokratikong Pagbabago (National Democratic Movement). It is therefore a conclusion for such allegations that communism is not contradiction to democracy and vice-versa.

Rumors spread across the internet, specifically Facebook and other mass media that there is a possibility that JoMa Sison will be home in the Philippines after his exile in Netherlands when the his former student in San Beda and presidential bet Rodrigo Duterte, or Grace Poe wins the election. However, Sison argued that the party does not support any political candidate, and that - it is their firm principle not to believe in election system.  This 29th of March, 2016, New People’s Army – Communist Party of the Philippines – National Democratic Front celebrates its 47th anniversary by making a tribute to their comrade Gregorio “Ka Roger” Rosal who said in his days “Hindi eleksyon, kundi rebolusyon” (Revolution, not election).

On the other side Sison was so upset on his former student, because Duterte after admitting that he is a leftist issued an anti-worker statement on Kilusang Mayo Uno, a prominent progressive labor center. On the official first day of campaign period for 2016 elections, Duterte said, “I will establish economic zones. Mag-imbita ako… Dito kayo magtrabaho. Wag kayong magmamadali. Tapos kayong mga KMU, medyo pigilan na muna ninyo ang mga labor unions. Ako na ang nakikiusap sa inyo. Magkasama tayo sa ideolohiya. Wag ninyong gawin iyan. Kasi sisirain mo ang administrasyon ko. Kapag ginawa ninyo iyan, patayin ko kayong lahat. Ang solusyon dito, patayan na. Eh pag-usapan mo, ayaw. Do not do it now, iyung active labor front. Kasi kapag ginawa ninyo, nagsasara. (I will invite … here you can work. Don’t rush. And you, KMU, restrain your labor unions a bit. It is I who is requesting you. We’re comrades in ideology. Don’t do that. Because you would destroy my administration. If you do that, I will kill you all. The solution here is killing. If we talk about it, you refuse. Do not do it, those active labor fronts.) Do not do it. Give the Philippines respect for about 10 years.”

Duterte even boast to say “I share with your ideology” before threatening to kill them. “Is he joking or did he just declare war?” is KMU’s response to Duterte’s statement.
Miriam Defensor-Santiago was criticized in the internet as a “Communist” after stating her want to junk Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA), the alliance between the United States of America and Philippines. She says that 17 years of colonial relationship with the US must end. The Left however views it as radical step.

On a 2014 lecture, Noam Chomsky argued that you can never have a capitalist democracy. Capitalist’s libertarian principle from the classical Adam Smith is radically far away from the genuine democracy. All they want (the capitalist) is freedom, and their concept of freedom is freedom to exploit and own laborers. And eventually, historically speaking, their freedom became power and hegemony. Quoting Marx, he claimed the prediction that with this matter, if a capitalist democracy continues to exist for several years or decades it will eventually self-destruct. A phrase “Marx was Right!” is actually humoristic for me considering the left-party. The manifestation of the prediction of Marx, as was interpreted in the Philippine society, although not full attainment of nationalization of the means of production, is little by little mobilizing the masses to a greater cause of closing the gap between the classes, and is a real proof of the destruction of capitalist system, and will always be a sign of inevitableness for people to realize the true justice.

Philippine society, at its most definite comprehensiveness, has an infamous familiarity to decline. Rereading Jose Corazon de Jesus’ Bayan Ko, “At sa kanyang yumi at ganda dayuhan ay nahalina, bayan ko binihag ka nalugmok sa dusa” (How her Charm so kind and tender, Drove the Strangers to enslave her; Native land, they forced their Will, And made you suffer Still). De Jesus lived during the American colonial times, and may still be in wonder of the Hispanic but the truth of his poem that was considered as the second national anthem when sung by Freddie Aguilar, is still and even more applicable today. We still experience imperialistic dominance through intervention instead of mediation. The only person you can ask that will counter-react to this is, of course, Pnoy, his dilawan team, and the presidential bet Mar Roxas who served as the apologist of the administration on the last two presidential debates.

It is in the time of Spanish colonization that we resist tyranny. But like Cuba, after the Spanish-American war, was intervened by US-Imperialism. The only difference is that Cuba, lead by Fidel Castro, Raul Castro (now the president of Cuba) and an Argentinean revolutionary Che Guevara, resist and revolt until they attain the true national democracy and independence of the US intervention, the imperialist nation which according to Nelson Mandela, always acts for their own interest. And so until today, we are a dependent nation, our socio-politics and economy has been in hegemony of United States of America and the bourgeoisie may it be culturally, military (bases and foreign policies), in education (as for K-12 towards neo-liberalism) and in our natural resources (as for mining).

The nation as a semi-feudal can be traced from the Hispanic encomienda, up to the landlords of our days.
Amado Guerrero on his Philippine Society and Revolution wrote:

Philippine society today is semi-colonial and semi-feudal. This status is determined by U.S. imperialism, feudalism and bureaucrat capitalism which now ruthlessly exploit the broad masses of the Filipino people. These three historical evils are the basic problems that afflict Philippine society.
He addresses that the root of the social problems came from imperialistic and feudalistic US. One of the concerns of US is foreign policy. Their acts always serve their interests. For instance, free trade is manifested thru unlimited and untaxed imported goods from them, and limited exports from us. Our notion of free trade is the relationship between the serf and the lord on a feudal system. 
Lualhati Bautista, a Filipina novelist, on her novel Gapo wrote a statement with her famous anguish tone of writing, “Mababait at mapagmahal ang kano, pero una’t higit sa lahat, sa sarili. May karapatan ka sa dangal at katarungan, basta h’wag mapeperhuwisyo ang mga negosyo nila’t pansariling interes” (Americans are good and compassionate people, but first and for most for themselves. You have your right of dignity and justice, albeit never try to harm their business and self interest).

Our culture of colonial mentality plays a great role on us being a “semi-colonial” nation. The hegemony of the bourgeois takes deeper roots on our day-to-day lives making the gap between the classes even more far away from one another, without the consciousness of the masses contributing to the cultural hegemony. As long as we fanaticize other’s culture rather than value our heritage, we will always find ourselves patronizing their products – contributing to the prosperity of their economy, while here we are digging our own grave, killing our own identity. Our government is always, on the side of the joint venture mining companies who destroy our mountains, kills hundreds of Lumads who choose to resist the ongoing destruction to protect the land which according to this people was inherited from their ancestors. 

Even to these days, Cojuanco-Aquino still has the control and monopolizes vast land in Tarlac that belongs to our peasant and farmers. Videos on FB show how these modern landlords burn famers’ hut and bulldoze the crops through large vehicles and un-uniformed police authorities. On issues like this, you can’t expect justice; always remember that our own president is an ‘aciendero himself.

Even in my community, even if some people say I influence people enough to impart the ideology of the people, it always been a struggle, for I always find difficulties engaging myself to people who are so obsessed with mentality of a colony. They appreciate more of the Korean Pop and Justin Bieber, and don’t even know the name Joey Ayala or Gary Granada, or even worst calling their songs “makaluma” (oldies).
Not until the nationalization of the means of production began, the gap between the classes closed, have the liberation of ideas from the cultural hegemony of the bourgeoisie, stopped the contractualization and promote a better working conditions of our working class, stopped the monopolized control of vast lands of the feudal landlords, free from the dominance of the US-Imperialism, establish a socialist constitution that shall embody the true justice may it be retributive and distributive phase, not until then, we can never attain the real independence. 

__________________________________________________________________________
Sources:
Philippine Society and Revolution, Amado Guerrero
Rappler
Philippine Daily Inquirer



Monday, March 7, 2016

Anyo at iba pang Tatlong Pangungusap (Three Sentences Stories)



ilan lang sa mga three sentences stories na lahok ko sa Canvas Story writing competition na naglalayong magbigay ng mga libreng aklat sa mga bata.
 


Rommel F. Bonus


Anyo






Sa mga gabi ng dilim ay madalas pa ring nagliliparan ang mga nawala, sa lupa ng kanyang pakikipagsapalaran, sa dagat ng kanyang mga pag-asa, sa langit na minsan niyang minahal na liparin.

Ang mga anyong ito na naging panaginip, ang mga anyo ng mga tila at mga marahil.

At ngayong pinaka ninais niyang hablutin ang mga anyo sa kanyang ulirat, ay ang pagkakataong muli siyang hahalo sa hangin.






                                                            ["Always" Painting by Serj Bumatay]

                                                     

  

 Pagsundo


'Di niya pa malimutan nang huli niyang niyakap ang maitim  nitong katawan, madilim na tulad halos ng pinaka-malalim na gabi. 

"Umuwi ka na mahal ko", isinisigaw niya sa kakahuyan, siyang tanging nakaintindi sa kahulugan nito.

At ngayong ilang ulit na niyang tinangkang hanapin ito, may bumulong sa likod ng mga dahon, "Hindi mo ako naiintidihan, ito ang mundo ko", nakangiti siyang lumuluha ang dilaw na mga mata.
                                       [ "Call of the Wild" painting by Abi Goy]



Paglaho


Muli niyang pinagmasdan ang kalikasang nilikha ng kanyang isip mula sa mga bagay na nawawala, sa mga bagay na kailanma'y hindi na makikita.

Kung minsa'y sinisisid niya ang tatlong balon, kasing lalim ng kanyang paggunita, kinakalimutang bahagi sila ng kasalukuyan.

Naroong naglalayag sila, nakatulalang tila wala nang tunay na lipunang babalikan, at sa maraming pagkakataon ay nagnais na maging usok, lumipad sa himpapawid, at tuluyan nang mapabilang sa mga nawawala.


                                              ["Three Wells" painting by Marcel Antonio]
                                                               

Pagtakas     




Tumakbo siya nang malayong iniiwan ang mga alalaala.

"Kung umuusbong na ang takot, pabalik sa sarili mong mundo", bulong ng ugat ng puno.

Pangahas niyang hinagis ang kanyang orasan, ang kanyang tsinelas, at minahal ang pag-iisa.















                                                 ["Enchanted" painting by Jim Orencio]

______________________________________________________
*disclaimer: photos of paintings not mine, from Canvas Stories

*ang mga storyang ito ay ilan lang sa mga kwentong lahok sa Canvas Stories 3-sentence writing competition