Lito Pagaspas
Rommel F. Bonus
Tumigil ang ulan,
tumayo ka sa upuan.
Sabay ng pagbangon
sa hirap ay iahon.
Sumasabog din
ang damdamin,
kahit na tahimik
ingay ay nakabibingi.
sa iyong patnubay
ako'y ingatan mo
susulong sa ulan
sa paghinto ng tag-araw mo.
may kulay naman ang dahon
maraming guhit ang palad.
Kung paanong lakas ay iginawad
walang taong magkatulad.
ang tanging hiling ko lng
sana ay marinig
kindat ng mata, natatagong himig.
kasing init ng apoy
ang aking pag-ibig
kasing lakas ng amoy
ng papalapit na tinig
oh aking sinta
di maitulak o makabig
malaman mo lang sana
ang tulak ng bibig.
kung ano ang lasa
siya rin ang bunga
kung ano ang nasa
sayang kulay ng pagsinta.
habang nagkakape kami nila Kuya Lito at Kristine sa canteen sa isang malamig at maulang hapon
ang pamagat ay mula kay Kristine mae peñaranda
Dec. 19, 2015
College of Education, University of Rizal System Antipolo
Sa isang maulan na alaala...
ReplyDeleteHahaha. malamig at maulang alaala.
ReplyDelete